Tagalog news: Feature: Produkto mula sa yakon ginawa ng FNRI
ni Josefina T. Gonzales
2012 - Alam ba ninyo na ang yakon ay tumutulong sa pagpapababa ng lebel ng asukal at kolesterol sa dugo?
Ang yakon ay isang uri ng lamang-ugat na matatagpuan sa Nueva Vizcaya, Misamis Oriental, Cordillera at iba pang bulubundukin na lugar.
Ayon sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (o FNRI-DOST), ang yakon ay maaaring gawin sa iba't-ibang produkto gaya ng tsaa, juice, salad, at iba pa.
Ang mga lamang-ugat gaya ng yakon ay nagbibigay ng enerhiya at lakas sa katawan. Ang kakulangan sa pagkain ng carbohydrates ay hahantong sa mababang timban, panghihina, pagkahilo at pagbaba ng lebel ng asukal sa dugo, ayon sa Gabay sa Wastong Nutrisyon” ng FNRI-DOST.
Ugaliing kumain at maghanda ng mga lamang-ugat tulad ng yakon, kamote, kamoteng-kahoy, ube at iba pa, upang maiwasan ang sakit na diabetes at alta-presyon.
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92420.0