Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya
ni Dennis Manzo
ROMBLON, Romblon, Enero 31, 2012 (PIA) -- Naglabas ng kautusan ang Romblon Provincial Government para sa 17 munisipyong sakop nito na pag-ibayuhin ang paniningil o pangongolekta ng buwis sa mga ari-arian at lupain na kanilang nasasakupan.
Inanunsiyo rin ng Provincial Government ang pagbibigay ng amnestiya sa lahat ng mga Romblomanon, ibig lamang sabihin walang multa ang mga di nabayarang buwis simula taong 1995 hanggang Hulyo 31.
Ang nasabing kalatas anunsiyo ay batay sa pinaiiral na Provincial Ordinance No. 04-2011 (Granting of tax amnesty to delinquent property owners from payment of penalties on unpaid real property taxes.) na naglalayong mapalago ang antas ng pananalapi sa bawat munisipyo sa buong lalawigan.
Maaaring magsadya ang sinumang magbabayad ng buwis sa opisina ng Municipal Treasurer kung saan nasasakop ang kanilang mga ari-aria
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92416.0