The Philippines > Philippine Archive

Filipino Nurses Needed in Israel

(1/1)

MikeLigalig.com:
Manila (30 November 2010) -- Iginiit ng Department of Labor and Employment na hindi totoo ang mga ulat na nangangailangan ng mga Filipino nurses ang bansang Israel.

Ani Labor Secretary Rosalinda Baldoz, mga home-based caregivers at hindi nurses ang hinahanap ng nasabing bansa.

Sinabi rin ni kalihim na hindi totoo ang mga inaalok na trabaho ng Jordan Valley Medical Center pagkat napagalaman ng Philippine Overseas Labor Office doon na walang ganoong ospital sa Israel.

Kaugnay nito ay inatasan ng kalihim ang Philippine Overseas Employment Administration na gumawa ng paraan upang mahuli at maparusahan ang mga illegal recruiters na nasa likod ng panlilinlang na ito. (PIA)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=90255.0

Navigation

[0] Message Index

Go to full version