Fiscal reforms, tuloy-tuloy
by Cecil Cadorna
Cotabato City (30 June 2005) -- "On track" pa rin ang fiscal programs ng pamahalaan. Bagama't nagtala muli ng P56.641 Billion deficit ang public sector mula Enero hanggang Marso ngayong taon, mababa pa rin ito para sa projected deficit ng Finance Department na P69.871 Billion.
Ayon sa ulat ni Finance Secretary Cesar Purisima sa Malacanang, hindi pa kailangan ng panibagong round ng pangungutang para matugunan ang kakulangan natin sa pondo kung kaya't nakatutok ang gobyerno sa pagpapatupad ng reporma particular sa mga government-owned and controlled corporations, sa ilang repormang naumpisahan na, at ang pag-pasok ng kita mula sa implementasyon ng E-Vat na lalong magpapa-stabilize sa fiscal standing ng pamahalaan.
Isang malaking hamon ito sa Pangulo at ang kanyang mga economic managers na i-maintain ang direksyon ng fiscal at economic reforms sa harap ng ganitong suliraning pinansiyal..
Ayon sa Malacanang officials, nakatitiyak sila na mapagtagumpayan ni Pangulong Arroyo ang mga repormang naumpisahan niya sa gitna ng mga di makabuluhang bangayan ng mga pulitiko na nakakaapekto rin sa takbo ng ekonomiya ng bansa. (PIA)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88303.0