Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan
ni Louie T. Cueto
CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 31, 2012 (PIA) -- Sa tuluy-tuloy na pagtataguyod sa kapakanan ng mga pangunahing mamamayan o senior citizens, umaabot sa P750,000 ang kabuuang pondong nakalaan sa pederasyon ng senior citizens ng 14 na bayan at isang syudad ng lalawigan.
Matatandaang ipinagkaloob kamakailan lamang ng pamahalaang panlalawigan ang halagang P50,000 sa municipal federation ng senior citizens ng bayan ng Bansud na siyang pinakaunang bayang nabiyayaan ng nasabing pondo.
Sa sandaling makumpleto ang mga kailangang dokumento, kaagad ding makukuha ng ibang bayan ang laang pondo para sa kani-kanilang pederasyon.
Ang pagkakaloob ng pondo ay isinabay sa eleksyon para sa bagong pamunuan ng provincial federation of senior citizens.
Sa nasabing okasyon ay ipinaabot na rin ng samahan ng senior citizens ang kanilang lubos na pasasalamat sa ngalan ng bawat pamunuan at nangakong gagamitin nila ang suportang kanilang natanggap at matatanggap pa upang tugunan ang totoong pangangailangan ng kanilang samahan. (LBR/LTC/PIAIV-B/CALAPAN)
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92199.0