Author Topic: The American Life (forwarded message)  (Read 1118 times)

jorgeanna

  • LUMINARY
  • ***
  • Posts: 5505
  • mmmmmmmmm
    • View Profile
The American Life (forwarded message)
« on: January 24, 2008, 12:55:52 PM »
The American Life
Message: Akala ng mga tao na nasa
Pilipinas kapag nasa Amerika ka akala nila madami
kanang pera. Ang totoo, madami kang
utang, dahil credit card lahat ang
gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo.
Kailangan mo gumamit ng credit card
para magka credit history ka, kase pag
hindi ka umutang o wala kang utang,
hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano.
Pag wala kang credit card, ibig sabihin
wala kang kapasidad magbayad.

Aka la nila mayaman kana kase may kotse
kana. Ang totoo, kapag hindi ka bumili
ng kotse sa Amerika maglalakad ka ng
milya-milya sa ilalim ng init ng araw o
kaya sa snow.Walang jeepney, tricycle o
padyak sa Amerika.

Akal a nila masarap ang buhay dito sa
Amerika. Ang totoo puro ka trabaho kase
pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at
iba pa. Hindi ka pwedeng tumambay sa
kapit bahay kase busy din sila maghanap
buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng pictures mo sa Disney, Seaworld, Six
Flags, Universal Studios at iba pang
attractions. Ang totoo kailangan mong
ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para
makarating ka dun, kailangan mo naman
ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad
sa ticket.

Akala nila malaki na kinikita mo kase
dolyar na sweldo mo. Ang totoo malaki
pag pinalit mo ng peso pero dolyar din
ang gastos mo sa Amerika. Ibig sabihin,
ang dolyar mong kinita sa presyong
dolyar mo din gagastosin. Ang P15.00 na
sardinas sa Pilipinas, $1.00 sa
Amerika, ang isang pakete ng sigarilyo
sa Pilipinas P40.00. sa Amerika $6.50,
ang upa mo sa bahay na P10,000.00 sa
Pilipinas, sa Amerika $1,000.00++

A kala nila buhay milyonaryo kana kase
ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang
totoo milyon ang utang mo. Ang bago
mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sabihin alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa
Amerika, lalo na mga nurse. Mahirap
maging normal na manggagawa sa
Pilipinas, madalas pagod ka sa trabaho.
Pagdatin g ng sweldo mo, kulang pa sa
pagkain mo, pero ganun din sa ibang
bansa katulad ng Amerika.Hindi sabihin
dolyar ang sweldo mo yayaman kana,
kailangan mo ding magbanat ng buto para
mabuhay ka sa ibang bansa. Isang
malaking sakripisyo ang pag alis mo sa
bansang pinagsilangan at malungkot
iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi
pinupulot o pinipitas ang pera dito.
Hindi ako naninira ng pangarap gusto ko
lang buksan ang bintana ng
katotohanan!!!

Unknown Author


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=8856.0
a marriage can never be perfect.. but the love can be!

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: