Inside Bohol > General Topic

SSS Social Security System Tips

(1/1)

MikeLigalig.com:
️Mga puntos na madaling tandaan tungkol sa ating Voluntary SSS Membership️

1. Sa mga dati na pong myembro ng SSS na nahinto ang hulog dahil sa paghinto sa pagta trabaho, maaring ituloy ang paghuhulog sa SSS as voluntary member. Hindi na kailangang magpa rehistro ng bagong SS Number. Hindi na maaring bayaran ang mga nalampasang buwan at taon. Maaring bayaran lang ay ang current quarter, ang buwan ngayon at mga darating na buwan.

2. Tandaan ang deadline ng iyong paghuhulog as voluntary SS Member. Para malaman ang iyong deadline, alamin ang huling digit ng iyong SS Number: Kung ang huling numero ay 1 o 2, ang deadline ay ika 10 ng susunod na buwan; Kung 3 o 4, ika 15 naman ng buwan; sa 5 o 6- ika 20 naman ng buwan; 7-8 end digit ay ika 25 ng buwan; at kung 9 o 0 ang huling numero ng iyong SS Number ay katapusan naman ng buwan ang iyong payment deadline.

3. Pwedeng iaccess ang iyong SS Records online. Ang SSS Inquiries ay pahina lamang po na magbibigay sa inyo ng guide at instruction ngunit hindi po ng personal na record nyo sa SSS. Para makapag register sa SSS Website, kailangan nyo po ng Receipt Number ng pinakahuling hulog niyo. Aabutin ng 24 oras bago ma activate ang inyong SSS Account. Sa SSS Online nyo po malalalamqn kung ilan at magkano na ang naihulog niyo, magkano ang balance sa loan, etc. Makikita niyo rin po kung hinuhulog pa ng kumpleto ng inyong Employer ang binawas na SS Contribution sa payslip niyo.

4. Mga numerong magandang tandaan para sa iyong qualification sa SSS benfits at program

36 Months - contribution para maqualify sa loan pero dapat active ang bayad sa huling anim na buwan

120 months - minimum contribution para makapag pension. Kung kaya niyo pong maghulog ng mas maraming taon at mas malaki sa huling limang taon bago kayo mag 60, mas maganda para mas malaki ang magiging pension

4 times pwede mag avail ng Maternity Benefit. Mahalagang mag submit ng Maternity Notification sa SSS pag nalaman mong buntis ka. Para ma qualify, kailangan na nakapag hulog ka ng 3 buwan sa loob ng 12 buwan bago ang semester ng iyong panganganak o pagka kunan.

5. Kung kayo po ay may dating loan na sa SSS at hindi pa nababayaran, magkaka roon po ng Loan Condonation ngayong April 2 - October 1, 2018. Magandang opportunity po ito para ma restructure ang inyong loan at mabawasan ang penalty ng inyong loan.

Muli, ang SSS Inquiries ay hindi opisyal na pahina ng SSS. Kami po ay regular na miyembro ng SSS lamang din na nais makatulong sa kapwa SSS Member.

️Mayroong tips ka ba sa kapwa ka Sss Inquiries? Halinat ibahagi ito sa ating pahina.

Going to travel? Book your place to stay at www.booking.com



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89437.0

Navigation

[0] Message Index

Go to full version