normal_post - Sa hulang lilindol ngayon, ‘Kalma lang’ – GMA - General Topic Author Topic: Sa hulang lilindol ngayon, ‘Kalma lang’ – GMA  (Read 788 times)

Brownman

  • EXPERT
  • ***
  • avatar_650 - Sa hulang lilindol ngayon, ‘Kalma lang’ – GMA - General Topic
  • Posts: 3065
  • God is Great
    • Share Post
Friday, July 18, 2008

Umapela kahapon ang Malacañang sa taumba­yan na maging kalmado kaugnay sa prediksyon ng isang Brazilian psychic na magkakaroon ng intensity 8 na lindol ngayong Hulyo 18. 

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesman Anthony Golez Jr., walang instrumento na maaaring mahulaan ang paparating na lindol. 

“Wala tayong maki­narya para ma-predict ang paparating na lindol kaya hindi dapat mag-alala ang taumbayan ka­ugnay sa naging predik­syon ng isang psychic,” wika pa ni Usec. Golez na tagapagsalita din ng National Disaster Coordinating Council. 

Aniya, nakabuti rin sa isang banda ang nasa­bing prediksyon dahil naging handa ang publiko sa anumang mangyayari. 

“Ang lindol na ganyan mas maganda lagi silang takot, para laging handa ang taumbayan,” dagdag pa ni Golez. 

Maging si Phivolcs director Renato Solidum Jr. ay nagsabing walang scientific basis ang prediction ng Brazilian psychic na si Juseleeno Nobulega Da Roose na libu-libo umano ang mamamatay sa magaganap na intensity 8 na lindol ngayong araw.





Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=13928.0
Consider pleasures as they depart, Not as they come.



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal