Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Minamahal kong Anak  (Read 1520 times)

Vito Andoline

  • Maghigugmaay tang tanaw para sa kalinaw
  • GURU
  • ****
  • Posts: 9532
    • View Profile
Minamahal kong Anak
« on: March 22, 2008, 09:18:33 PM »
Medyo mabagal akong mag type ngayon dahil alam kong
mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya
para tirahan ang bagong bili na bahay. Pero hindi ko
maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating
nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit
ng address.
 
Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila . Dalawang
beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong
una at apat na araw noong pangalawa.
 
Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung
nabili ko na shampoo, ayaw bumula. Nakasulat FOR DRY
HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit
ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo
ako.
 
Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay
dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay YALE,
eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din
bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay,
akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE,
wise yata ito!
 
Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at
tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa
dahil medyo mahal daw dahil mabigat ang mga botones
kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga
botones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket.
Ikabit mo na lang pag dating diyan.
 
Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng
bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging
anonymous donor.
 
Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito,
mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya.
Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey
naman ang kita above minimum ang sahod. Nakapanganak
na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung
babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw
ay bagong uncle or auntie.
 
Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero
naguguluhan ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB Liner,
Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga pampasaherong
bus. Yung Panty Liner, bus din ba yun? Saan ba ang
Terminal nila?
 
At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan at
nakalimutan kong banggitin sa iyo taga Magandang Umaga
Bayan daw siya at nakunan ako sa TV ang tanong sa akin
ay ano raw sa salitang english ang Kulangot. Di ko
nasagot... ikaw anak, alam mo?
 
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng
madalas ha.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=10995.0
milyonaryo na si vito nakakuha ug perlas sa isla berde...

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts