From a blog;
Ang Magmahal Sa Sariling Wika
Posted by: Chico on: Marso 5, 2007
In: Archived Comment!
Para sa Kaniyang Hindi Napapagod na Magmahal.
***
Mayroong nagsabi na ang taong di marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda: Filipino ba ang tinutukoy dito? Tagalog? Ilokano, Kampampangan o kanya kanya nating “wika� What do you think?
***
Kapag ang baybay mo ay hindi na maipantig
Ang musika ay hindi na marinig
Kung ang tula ay hindi na maunawa
At ang literatura ay dayuhang wika,
Kikilos ka ba, kapatid
Para maisalba ang iyong kaluluwa?
Kapag nag-iisa ka na lamang
Na nakaiintindi,
Ng pasakit na dinanas ng lokal na bayani,
Ipagdiriwang mo ba ang kaniyang pista
Kung sa kalendaryo, asul at hindi pula
ang kaniyang tinta?
Sabi nila, sabi nila, mag Filipino ka!
Bukod sa Ingles, mag-Filipino ka.
Ngunit paano ko iintidihin ang Filipino
Gayong Kapampangan ako.
Gayong Ilokano ako.
Gayong Cebuano, Waray, Ilonggo ang lolo ko!
Wag sanang ipilit na isaksak
Sa lalamunan ko ang Tagalog.
Kahit magkunwa pa itong “Filipino.â€
Hindi ako inutil.
Hindi.
-----------------------------------------------------------------
I have no problem with our sariling wika, tagalog, it´s my mother tongue. But here in Germany I always address myself a Bol-anon. I truly feel bisaya through and through. So it pains me to the heart if bisayan are good housemaids and that I´m often called Inday. These are only cliché.
Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=18300.0