Author Topic: The Truth About Bangsamoro  (Read 975 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33317
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
The Truth About Bangsamoro
« on: February 10, 2015, 04:19:18 PM »
Reposted from Facebook:
Ganda ng comment nato share ko lang......

Comment ni Philip Asperga nagustuhan ko lng....

Ako  ay ipinanganak at lumaki sa Mindanao. Ang aking mga anak at apo ay dito  din ipinanganak at lumaki.Kung mayron man nakakakilala sa mga MUSLIM  kami yon na mga ipinanganak at lumaki dito sa Mindanao at hindi ang mga  nasa Luzon o kaya sa Visayas. May mga kamag-anak ako na ang kanilang  asawa ay muslim at lahat sila ya nagpaconvert sa Muslim. Ngunit hindi  namin pinigilan dahlia sa maliban na karaptan nila yon, wala naman  masama sa Reliheyon ng Muslim. Masaya naman ang lahat dahil ang  pinaiiral namin ay respito sa isat isa. Marami din ako kaibaigan na  muslim.
Lahat  ng muslim na naghahanapbuhay dito sa bayan namin ay masayang  nakikihalabilo sa mga kristyano. Ang tunay na muslim ay ayaw ng gulo.
Ang  kaguluhan na nangyayari sa Minandao ay hindi dahil sa Reliheyon o kaya  ay may hidwaan ang MUSLIM AT KRISTIYANO. Ang kaguluhan dito ay dahil sa  mga taong ang tanging hangarin lamang ay KAPANGYARIHAN para sa  pansariling interes. Ang gulo sa Mindanao ay dahil sa mga TERORISTA.
Dahil  sa hangarin ng MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT na makuha ang Mindanao ay  kinasangkapan nito ang Reliheyon ng ISLAM at pinaniwala ang karamihan sa  mga MUSLIM na kanila ang Mindanao. Dahil sa takot napilitan na sumunod  ang ibang muslim kahit na ito ay labag sa kanilang kalooban.
Pinagpipilitan  ng MILF na pagmamay-ari ng MUSLIM ang Mindanao. Ngunit kung kasaysayan  ang pagbabatayan, bago pa man dumating ang mga Muslim sa Mindanao ay  mayorn nang mga tao na naninirahan dito. Ito yong mga tootoong taga  Mindananao. Ito ay ang tribu ng BLA’AN, T’BOLI, TAGAKAULO, BAGOBO at  SUBANEN. Ang mga Muslim ng dumating dito sa Mindanao ay bumili lang ng  kapirasong lupa sa isa mga Tribu na ito sa tabing dagat.
Ngunit  hindi ito ang issue dito. Ang usapin ay ang paghasik ng MILF ng  terorismo na pinabayaan ng gobyerno lalo nang pamahalaang ito. Ang mga  bombings, kindnnapping at halos lahat ng terorismo ay may kaugnayan sa  MILF. Ngunit wala man lang ginawa ang gobyerno upang papanagutin sa  batas ang MILF mula sa pinuno nito. Ang paglusob ng MILF  sa Kolambugan,  Lanao Del Norte may ginawa ba ang gobyerno upang maparusahan sila?  WALA, dahil hanggang imbistigasyon lang. Nabigyan ba ng hustisya ang mga  pobreng nagbebenta ng gulay sa General Santos city na namatay at  nasugatan dahil sa pambobomba?WALA!
Imbes  na parusahan ang mga teroristang ito sa ilalim ng batas, ang ginawa ng  kasalukoyang namumuno ay pumasok sa isang kasundoan. Ito ay pagpapakita  lamang na sumoko ang gobyerno sa mga terorista.Habang nakikipag-usap ang  gobyerno sa MILF para sa kapayapaan, hindi nito namamalayan na  unti-unti nang bumabaon sa kanyang likod ang punyal ng MILF.
Lahat po kami dito sa Mindanao ay gusto ng kapayapaan. Ngunit habang naghahari ang mga terorista dito walang kapayapaan.
Sapilting  itinutolak ng Pangulong Aquino ang BANGSA MORO BASIC LAW kahit na ito  ay labag sa SALIGANG BATAS. Ang pagpipilit na matapos ang gulo sa  Mindano ng hindi naayon sa batas ay isang malaking kalokohan.
Ang  nangyari sa Mamasapano Maguindanao kung saan 44 na SAF member ang  namatay ay isang patunay na ang MILF ay hindi sensero sa usapang  pangkapayapaan. Ang gobyerno ay bumoo ng board of inquiry na syang  kakalap ng impormasyon kung sino talaga ang dapat na managot. At ngayon  balak na naman ng senado na bumoo ng truth commission na ang pipili ng  tao na buboo nito ay ang pangulo. Isa itong malaking kalokohan.
Sige  may pagkukulang ang SAF na pumasok doon dahil walang coordinasyon.  Ngunit hindi maikakaila na ang brutal na pumatay sa kanila ay BIFF, MILF  at PRIVATE army ng isang political clan doon. Totoo na mayron kasunduan  ang MILF at gobyerno ngunit hindi ibig sabihin nito na immune na sila  sa batas. Command responsibility dapat na managot ang pamunoan ng MILF  sa nangyari. Ngunit taliwas sa inaasahan ng taongbayan lalo na ng taga  Mindanao, habang nagluluksa at nagdadalamhati ang buong bansa sa  nangyari sa SAF 44 ang pangulo ay masayang pumunta sa isang car company.  At ang masaklap pumunta ang GRP PANEL sa Malysia upang pag-usapan ang  decommissioning ng mga armas ng MILF. ISANG MALAKING KALOKOHAN. Kung  talagang totoo ang MILF sa usapang pangkapayapaan dapat siya na mismo  ang magsurender ng kanyang mga tauhan na responsible sa pagmasaker sa  SAF.
Sabi  ng pamahalaan sasampahan ng kaso ang lahat ng sangkot sa pagmasaker sa  SAF 44. Ang tanong sino huhuli ang sa mga teroristang iyon? Kung  huhulihin man hindi kaya magkaputokan ulit? Isusuko kaya ng pamunoan ng  MILF ang kanyang mga tauhan?  Dahil sa pagnanais ng Pangulong Aquino na  matuloy ang BBL lahat ng biktima ng terorismo ng MILF kasama na ang SAF  44 ay hindi mabibigyan ng hustisya. Mababaon lang sa limot. Hanggat  maaga pa sana kalagan na ng pangulo ang batas na kanyang ginapos laban  sa mga teroristang ito.
Hanggat  pinababayan ng gobyerno ang paghahari at pagdami ng MILF, BIFF,  ABUSAYAF at iba pang terorista walang kapayapaan sa Mindanao.
Ang  pagsali sa LABING TATLO na probinsya ng Mindanao sa BBL ay posebling  magdulot ng mas malaking gulo. Dahil ang mga ILOCANO,CEBUANO, ILONGO,  BOL-ANON at iba pa na tribo naninirahan dito ay hindi malayong hahawak  ng armas upang ipagtanggol ang kanilang ari-arian at kabuahayan.
Sana  bago ituloy ng pangulo ang BBL ay pag-isipan nya muna ng mabuti. Huwag  nya sana tingnan lang kapakanan ng MILF. Ang Mindanao ay hindi pag-aari  ng MILF o kung nang sino man. Ang Mamasapano at buong Mindanao ay hindi  teritoryo ng MILF o ng kahit na sinong terorista. Ito ay pagmamay-ari at  sakop ng teritoryo ng REPULIKA NG PILIPINAS.
Ang kapayapaan ay makakamit lamang kung
1. SUSUKO ANG MILF at LAHAT NG TERORISTA NG WALANG KAPALIT (UNCONDTIONAL SURRENDER.
2. KUNG LALAYAS SA PILIPINAS ANG MILF AT LAHAT NG AYAW SA SUMUNOD SA UMIIRAL NA BATAS SA PILIPINAS.
3. HIGIT SA LAHAT KUNG BUONG TAPANG NA IPATUPAD NG GOBYERNO ANG BATAS.
Hindi  MUSLIM ang sanhi ng gulo sa Mindanao. Ang nagdudulot ng gulo sa  Mindanao ay ang mga taong nagsasabi na sila ay MUSLIM ngunit hindi naman  at ito ay ang MILF, ABUSAYAF BIFF at ibang teroristang grupo.
Sana  ang INTGRATED BAR OF THE PHILIPPINES (IBP), VOLUNTER AGAINST CRIME AND  CORRUPTION ay gumawa ng legal na hakbang upang harangin sa SUPREME COURT  ANG BBL.
Sana  huwag na ituloy ng mga mambabatas ang pagsasabatas ng BBL. Sana tingnan  ng pamahalaan ang pangkalahatan at hindi ang kapakanan ng MILF lang.
ALL OUT JUSTICE FOR ALL THE VICTIMS OF MILF TERRORISM!
ALL OUT JUSTICE FOR THE GALLANT SAF 44!
Ang  pagbuo ng BANGSA MORO BASIC LAW ay magbibigay ng kapangyarihan sa MILF  na bumoo ng sarili nilang army at pulis na kalaonan ay mas magiging  malaking problem ng bansa. Ang BANGSA MORO ay magiging training ground  at taguan nga mga terorista mula sa ibang bansa. Kaya habang maaga pa  kailangan na mapigilan ang pagpasa ng BBL sa kongreso.
Ang  MILF at iba pang teroristang grupo ay walang ibang alam na salita kundi  ang dulo ng baril. Walang totoo sa mga salita na maririnig mula sa  kanila, kaya hindi dapat na pagkatiwalaan.
Sana  magkaisa ang lahat laban sa pagpupumilit ng Pangulong Aquino na  maaprobahan ang BBL. Kapakanan ng lahat ng buong bansa ang dapat niya na  unahin at hindi ang kanayang pansariling enterest at kanyang kaugnayan  sa MILF.
NO TO BBL!

Copy/ paste from other comment.

"Posted via Tapatalk, a free app downloadable at Google Play Store and Apple iOS. Browse and post on TUBAGBOHOL.com through your smartphone or tablet by using Tapatalk app."



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=79483.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: