Booking.com

Author Topic: Presidential Task Force on media killings guidelines  (Read 145 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 20818
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
Presidential Task Force on media killings guidelines
« on: January 28, 2017, 03:26:42 PM »
Mga mamamahayag, pinuri ang DOJ approval ng
Presidential Task Force on media killings guidelines
 
Masiglang tinanggap ng mga mamamahayag, lalo na ang mga lider ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI), ang pag-apruba kamakailan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa “Implementing Guidelines” ng Administrative Order No. 1 (AO1) ng Malakanyang na lumikha ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).
 
Ang AO 1 ang unang Administrative Order na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang umupo bilang pangulo ng bansa. Ang order ay bilang tugon sa mga ulat at puna ng pandaigdigang mga ahensiya, kasama ang United Nations at Human Rights Watch World na isa ang Pilipinas sa mga pinakadelikadong bansa sa mundo para sa mga mamamahayag na basta na lang pinapatay o nawawala at halos wala sa mga may kagagawan ng pamamaslang ang napaparusahan.
 
Ang mandato ng PTFOMS ay tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamahayag at tugisin at maparusahan ang mga pumapaslang sa kanila. Pinamumunuan ito ni Justice Secretary Aguirre bilang chairman at PCOO Secretary Martin Andanar bilang co-chairman. Mga kagawad naman ang mga Kalihim ng DILG at DND, Solicitor General, AFP Chief of Staff, PNP Director General, NBI Director at ang Executive Director ng Presidential Human Rights Committee.
 
Ang Secretariat naman nito ay pinamumunuan ni Undersecretary/Executive Director Joel Egco, dating pangulo ng National Press Club, at chief of reporters ng Manila Times, na taga Gapan City Nueva Ecija.
 
Ang mga pinuno ng PAPI, National Press Club, National Union of Journalists in the Philippines, Philippines Press Institute at Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, na observers at resource persons ng PTFOMS, ay aktibong kasali sa pagbalangkas ng Implementing Guidelines nito.
 
Sa pamamagitan ng PTFOMS Secretariat, regular at patuloy na minu-monitor at ina-update ang imbentaryo ng mga kaso ng pamamaslang sa mga mamamahayag na may limang kategorya: “unsolved cases, cases under investigation, cases under preliminary investigation, cases on trial, and cases under appeal.”
 
Masiglang tinanggap at pinuri ni PAPI president Nelson Santos, dating pangulong Luis Arriola at Juan Dayan at executive vice president Johnny Nunez ang pagtibay ni Justice Secretary Aguirre sa panukalang  PTFOMS implementing guidelines at sinabi nilang masidhing umaasa ang mga Pinoy sa makatotohanang pagpapakilos ng PTFOMS at ng mga kasanggang grupo nito sa lahat g antas upang seryusong matugunan ang patuloy na pamamaslang sa mga mamamahayag na ginagampanan lamang ang kinilang tungkulin upang ibalita at wastong maunawaan ng publiko ang mga kaganapan at pangyayari na sadyang kailangan sa isang malayang lipunan.
 
Binigyan nila ng diin ang paninindigan ng UNESCO na “ang kaligtasan ng mga mamamahayag at pagtugis sa mga pumapaslang sa kanila ay sadyang kailangan mapangalagaan at mapanatili ang pangunahing karapatan ng mga mamayan sa karapatan sa pagpahayag ng kanilang saloobin at akmang pagkilos ng ginagarantiyahan ng Artikulo 19 ng Universal Declaration of Human Rights.”
 
Ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda sa mahahalagang pandaigdigang kasunduan, kasama ang “International Covenant on Civil and Political Rights,” at “Convention against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment,” na kumikilala sa likas na karapatan ng tao sa kanyang buhay; na walang sinuman ang dapat agawan ng buhay, abusuhin at pagmalupitan; na lahat ay may karapatan sa malayang pagpapahayag ng kanilang opinyon at makatwirang nais gawin.”
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Lazada.com.ph Search ProductsBooking.com Hotel Search | SitemapRSS Feeds


 

Mobile View
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal