Booking.com

Author Topic: Lacson magso-sorry kay Faeldon kapag…  (Read 295 times)

rogamz

  • INTERN
  • **
  • Posts: 639
Lacson magso-sorry kay Faeldon kapag…
« on: August 30, 2017, 05:47:50 AM »
Hinamon ni Sen. Panfilo Lacson si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon na lumagda sa isang waiver kung totoo ang paninindigan nitong hindi siya kumita ng limpak-limpak na salapi sa mahigit isang taon niyang paninilbihan sa BOC.

“When he was interviewed yesterday sabi niya I’m willing to open my bank accounts, including those of the members of my family.

But that’s just words. To formalize it, kung talagang serious, mas maganda magpirma­ siya ng waiver under (RA) 1405, Bank Secrecy Act,” giit ni Lacson.

Kung lalabas umanong walang daan-daang mil­yones sa bangko si Faeldon, handa si Lacson na humingi ng paumanhin sa dating BOC commissioner.

“Kung pipirma siya ng waiver I’d be glad if kung ako ma-assign niya to inquire into the bank depo­sits, his own bank depo­sits, members of his fami­ly, including his fiancée.

And kung talagang wala, I’ll be gentleman enough to apologize. Or maybe I committed a mistake,” pangako pa ng senador.

Matatandaang idina­wit ni Lacson si Faeldon sa katiwalian sa BOC, kung saan noong pag-upo pa lamang niya noong nakaraang taon ay binigyan ito ng P100M.
No other time than now..


 

Mobile View
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal