Booking.com

Author Topic: Vacancy at Comelec  (Read 181 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 21085
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
Vacancy at Comelec
« on: October 13, 2017, 04:55:06 AM »
Press Release
TATLONG MABABAKANTENG PWESTO SA COMELEC EN BANC DAPAT MAPUNUAN AGAD

Hindi lang ang pwestong maiiwan sa pagbibitiw ni Commission on Elections (COMELEC) Chair Andres Bautista sa katapusan ng taon ang dapat alalahanin ng bansa ngayon, yan ang paalala ni KABAYAN Party-list Congressman Ron P. Salo.

Paliwanag ni Salo, nakatakda na rin kasing mag-retiro sa nalalapit na mga buwan sina Commissioners Arthur Lim at Christian Robert Lim na kapwa naka-schedule magretiro sa COMELEC sa Pebrero 2, 2018 o di hihigit sa apat na buwan na lamang mula ngayon.

“Tatlong pwesto na ang mababakante. Kritikal ang mga posisyong iyon at dapat mahanapan agad ng kapalit lalo pa’t naghahanda ngayon ang bansa sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14, 2018,” ani Salo.

Babala ni Salo, kung di mapupunuan ang mga pwestong iyon pagsapit ng Pebrero 2, 2018 lalabas na magkakaroon na lamang ng apat na nakaupong commissioner sa COMELEC en banc.

Paliwanag ni Salo na isa sa Assistant Majority Leaders ng Kamara, ang COMELEC ay nag-ooperate batay sa divisions kapag dumidinig ito ng election cases. Ang quorum ng mga division ay maaapektuhan kung di agad mapupunuan ang mga mababakanteng pwesto. Kapag hindi agad nakapagtalaga ng mga kapalit ay posibleng mabinbin ang mga kasong nakasalang sa mga divisions.

“Paano kung isa sa apat na matitirang kasapi ng en banc ang magkasakit o mag-leave of absence, mawawalan ng quorum ang en banc na kailangang mag-resolba ng mga kaso,” sabi ni Salo.

“Yan ang mga dahilan kung bakit dapat ngayon pa lang ay hanapan na ng kapalit sina Chairman Bautista at ang dalawa pang magreretirong Commissioner. Tiwala ako na ang search committee ng Pangulo ay maagang magsisimula sa kanilang trabaho para agarang makahanap ng kapalit na may di matatawarang kahusayan at katapatan sa tungkulin,” giit ni Salo.

Ang papalit kay Chairman Bautista ay magsisilbi sa unexpired term ni Bautista na magwawakas pa sa Pebrero 2, 2022.

“Saludo ako kay Chairman Bautista sa pag-alala niya sa kapakanan ng bayan at sa pagpapamalas niya ng delicadeza sa kanyang pagbibitiw. Nawa’y pagpalain siya sa kanyang tatahaking landas,” wika ni Salo. (WAKAS)

Use the Best Anti-Virus Protection. Pls follow the link: https://goo.gl/S5Bzjd

Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

My Facebook Profile: https://www.facebook.com/michaelortegaligalig
RSS Feeds Tubag Bohol Feed Burner


 

Mobile View
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal