Booking.com

Author Topic: BENEPISYO PARA SA BARANGAY HEALTH WORKERS ISINULONG SA KONGRESO  (Read 154 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 21080
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
BENEPISYO PARA SA BARANGAY HEALTH WORKERS ISINULONG SA KONGRESO
« on: October 10, 2017, 06:33:04 AM »
CHRISTMAS BONUS AT IBA PANG TIYAK NA BENEPISYO PARA SA BARANGAY HEALTH WORKERS ISINULONG SA KONGRESO

Isinusulong ngayon sa House of Representatives ang pagkakaroong ng tiyak na benepisyo at kompensasyon ng mga Barangay Health Workers (BHWs).

Kapag naisabatas ang House Bill 4277 ni KABAYAN Party-list Congressman Ron P. Salo, heto ang tiyak na matatanggap ng mga BHWs:

a) Honoraria – At least P3,000 monthly
b) Christmas Bonus – At least P3,000
c)  Hazard Allowance – Not lower than P1,000
d) Subsistence Allowance -  Not lower than P1,000

Sabi ni Salo, na dati ring consultant ng Department of Health, mahalaga ang ginagampanang papel ng mga BHWs bilang tagapaghatid ng serbisyong medikal at tagapagpalaganap ng impormasyong pangkalusugan sa bawat komunidad sa bansa lalo pa iyong mga nasa liblib na mga barangay.

“Inaasahan din ang serbisyo ng mga BHWs sa panahon ng kalamidad, sakuna, at mga outbreak kaya naman marapat lang bigyan sila ng disenteng kompensasyon,” ani Salo na kasapi ng House Committee on Health.

Noong 1995, naisabatas na ang Republic Act No. 7883 o ang Barangay Health Workers and Benefits and Incentives Act na nagtatakda na marapat makatanggap ang mga BHWs ng hazard at subsistence allowance, training programs, civil service eligibility, free legal services, at access sa loan services.

Gayunman, paliwanag ni Salo, hindi itinakda sa RA 7883 ang fixed rate para sa allowance ng BHWs kaya tuloy iba’t iba ang rate na natatanggap ng mga BHWs depende sa local government unit na nakakasakop sa kanila. Ang nangyayari tuloy, lumalabas na underpaid ang ibang BHWs.  Layunin ng HB 4277 na resolbahin ang problemang ito. (WAKAS)

Use the Best Anti-Virus Protection. Pls follow the link: https://goo.gl/S5Bzjd

Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

My Facebook Profile: https://www.facebook.com/michaelortegaligalig
RSS Feeds Tubag Bohol Feed Burner


 

Mobile View
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal