by pia
Hinikayat ng isang opisyal ng Naval Forces ng Northern Luzon ang mga nagtapos ng kursong hinggil sa teknikal na sumali sa Philippine Navy (PN).
Ang mga aplikante ay kinakailangang likas na Pilipinong ipinanganak dito sa bansa, may maayos na pisikal at tamang pag-iisip, aabot sa limang talampakan ang taas para sa babae at lalaki, may mabuting pag-uugali o “good moral character,†18 hanggang 22 taong gulang, mayroong 72 units sa kolehiyo, walang asawa at anak, walang kinasangkutang kaso, ani Public Affairs Officer Levi C. Carane.
Ani Carane, ang application form ay maaaring makopya at makita sa
http://www.navy.mil.ph.
Ang PN ay nangangalap ng mga posibleng bagong opisyal ng PN sa mga probinsiya sa buong taon.
Aniya, ang sinumang interesado maaring tumawag sa Navforcen Personnel office sa 09223924722 at 09195586274 para sa karagdagang impormasyon.
Ang mga matagumpay na aplikante ay magsasanay. Pagkatapos nito, bibigyan namin sila ng takdang gagawin depende sa kanilang natatanging kagalingan, tugon niya.
Ang mga ito rin ay may pribilehiyong P12,500 bilang unang sahod, libreng medical check-up, sustento sa pagkain, scholarship grants para sa kanilang pamilya at iba pa.
Paliwanag ni Carane, hindi mahirap sumali sa Philippine Navy basta’t ang mga aplikante ay determinado. Binigyang diin nito ang salitang, ‘Paglilingkod sa Bayan’ bilang isang positibong ugali na dapat isaalang-alang sa pagpasok sa PN.
Si Carane ay ang nagsilbing panauhin sa “Tugtugan at Talakayan†sa HotFm sa bayan ng Agoo dito sa probinsiya. (ANL/MHH-PIA1 La Union)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=53672.0