Booking.com

Author Topic: Drug Testing in Philippine Schools  (Read 144 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 20818
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
Drug Testing in Philippine Schools
« on: September 11, 2017, 08:52:33 AM »
DRUG TESTING SA MGA PAARALAN, ITIGIL MUNA; PRIVACY NG MGA RESULTA TIYAKIN DAPAT - REP. SALO
 
Nanawagan si Kabayan Party-list Congressman Ron Salo sa Department of Education at Commission on Higher Education na ihinto muna ang implementasyon ng drug testing sa mga eskwelahan habang wala pang tiyak na hakbang ang mga ahensya kung paano pangangangalaagan ang datos ng resulta ng drug testing.
 
Si Salo, Vice Chair of the Committee on Basic Education and Culture at Kasapi ng Committee on Good Government and Public Accountability sa House of Representatives, ay nagpahayag ng pangamba na baka maging target ng mga tiwaling pulis at mga drug lord ang mga kabataan, teacher, at non-teaching-personnel na magpopositibo sa drug tests.
 
“Kailangan ding makipag-uganayn ng DepEd at CHED sa Department of Health para sa rehabilitasyon ng mga magpopositibo,” bilin ni Salo.
 
Ginawa ang panawagan sa gitna ng mga pagpaslang sa mga kabataan sa ngalan ng war on drugs ng Philippine National Police. Isa sa mga menor-de-edad na biktima ay si Kian Loyd delos Santos, 17-anyos na Grade 11 student na pinatay ng mga tauhan ng Caloocan police sa isang drug raid matapos umanong “manlaban.” Isa pa ring biktima ay ang 19-anyos na si Carl Angelo Arnaiz na pinatay ng Caloocan police matapos daw makipagputukan sa mga pulis at ang 14-anyos na si Reynaldo de Guzman na natagpuang patay sa Nueva Ecija na tadtad ng saksak sa katawan at balot pa ng pakaging tape ang ulo.
 
Nilinaw naman ni Salo, na isa ring abogado, na suportado niya ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasang-ayunan niya ang legalidad ng drug testing na isinasagawa ng DepEd at CHED.
 
Inirekomenda ni Salo na makipagtulungan agad sa National Privacy Commission ang DepEd, CHED, at mga pribadong eskwelahan para matiyak na ang mga drug testing data ay maitatago nang wasto. (WAKAS)

Your device is compatible with our app. Click HERE to get your FREE TubagBohol Android App

Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Lazada.com.ph Search ProductsBooking.com Hotel Search | SitemapRSS Feeds


 

Latest Posts

Bill Eyes Increase of Barangay Officials' Salary by balong
[Today at 01:58:49 AM]


Yogakiyugpos by hubag bohol
[Yesterday at 11:39:34 PM]


"Here's looking at you, kid" by hubag bohol
[Yesterday at 11:27:41 PM]


Ang kasubo, kasakit ug kamingaw sa nag-inusarang binilanggo by hubag bohol
[Yesterday at 11:21:23 PM]


Asec Mocha Uson herself spreads fake news, says Nancy Binay by hubag bohol
[Yesterday at 11:15:21 PM]


Lunhaw by hubag bohol
[Yesterday at 11:04:48 PM]


Cat Mozart by hubag bohol
[Yesterday at 10:54:49 PM]


AMBUSH by balong
[Yesterday at 05:39:51 PM]


DOTr HINIMOK MAGBIGAY AMNESTY SA COLORUM PUVs by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 12:02:18 AM]


Phase-out of Jeepney by MIKELIGALIG.com
[September 23, 2017, 11:35:15 PM]

Mobile View
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal