Acronis True Image 2018
travel insurance protection insured trip abroad security

Author Topic: Census for LGBT in the Philippines  (Read 364 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 21492
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
Census for LGBT in the Philippines
« on: September 20, 2017, 01:22:21 PM »
Press Release - Hinimok ng isang mambabatas ang Philippine Statistics Authority (PSA) at ang University of the Philippines Population Institute na magsagawa ng census para magkaroon ng datos ang pamahalaan kung ilan ang lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) sa bansa.
 
Panukala ni House Public Information Chair at Bagong Henerasyon Congresswoman Bernadette Herrera-Dy, “Kailangan ng census para magkaroon ng siyentipikong batayan (quantitative at qualitative na basehan) ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para maitaguyod ang karapatan ng mga Pilipinong LGBT.”
 
Sabi pa ni Herrrera, “Magsisilbing gabay ang census para malaman ng Department of Budget and Management (DBM) kung magkanong pondo ang ilalaan para sa LGBT programs. Kailangan din ng National Economic and Development Authority (NEDA) ng datos para sa pagpaplano ng mga long-range development plans and big-ticket projects. Kailangan din ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) para sa mga social welfare and reproductive health programs nila.”
 
Si Herrera-Dy ay isa sa mga may-akda ng Sexual Orientation or Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Act or House Bill 4982, ang panukalang layong gawing ilegal ang anumang uri ng diskriminasyon batay sa kasarian at sekswal na oryentasyon.
 
Nilinaw naman ni Herrera-Dy na ang census ay hindi magiging uri ng “profiling” laban sa LGBT.
 
“Kailangang matutukan ang implementasyon ng census. Walang sinumang pipiliting magpatala. Walang sinumang pipiliting magladlad. Hindi rin ibubunyag o isasapubliko ang listahan ng mga pangalan ng mga LGBT. Secret ang mga pangalan. Bibilangin lang. Magiging gaya lamang ito ng census na isinasagawa na ng PSA para malaman kung ilan ang solo-parent, babae, lalaki, at bata sa bawat household,” muling paglilinaw ni Herrera-Dy.
 
Kokonsultahin ni Herrera-Dy ang iba’t ibang LGBT groups hinggil sa panukalang ito. Bukas siya sa mga suhestiyon na manggagaling sa iba’t ibang sektor lalo pa sa mga kasapi ng LGBT community.
 
Noong nakaraang linggo, lumusot sa 2nd reading sa House of Representatives ang SOGIE Equality bill. Nakatakda itong talakayin muli sa House of Representatives anumang araw para sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.
 
Ilan pa sa mga solon na pangunahing sumusuporta sa bill ay sina Rep. Sol Aragones, Rep. Kaka J. Bag-ao, Rep. Emmeline Y. Aglipay-Villar, at Rep. Geraldine B. Roman.
 
Nanawagan si Herrera-Dy ng patuloy na suporta ng publiko pabor sa SOGIE Equality bill dahil pending pa ito sa Senado at dadaan pa ito sa 3rd reading sa Kamara. “Maaring ipabatid ng taumbayan sa mga senador at kongresista ang kanilang pagsuporta sa pamamagitan ng social media at pagdalo sa mga public forum hinggil sa panukala,” hiling ni Herrera-Dy sa publiko.
 
Ang SOGIE Equality bill ay unang inihain sa Kongreso 18 taon na ang nakararaan ng noo’y AKBAYAN Party-list Rep. Loretta Ann Rosales. (WAKAS)

Your device is compatible with our app. Click HERE to get your FREE TubagBohol Android App

Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

My Facebook Profile: https://www.facebook.com/michaelortegaligalig
RSS Feeds Tubag Bohol Feed Burner


hubag bohol

  • AMBASSADOR
  • THE SOURCE
  • *****
  • Posts: 88400
  • "Better to remain silent and be thought a fool...
Re: Census for LGBT in the Philippines
« Reply #1 on: September 20, 2017, 11:37:14 PM »



:)
...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln


 

ESET Antivirus and Internet Security for Mac computers and laptops - Save 25%
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2017, SimplePortal