Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 27, 2013 - 12:00am
MANILA, Philippines - Niransak ng mga raliyista mula sa militanteng grupo ang lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development at pinagnakawan ng mga relief goods na nakalaan para sa mga biktima ng bagyong Pablo sa Davao City noong Martes ng tanghali.
Ayon kay P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, dakong alas-11 ng umaga nang lusubin ng mga raliyista mula sa Compostela Valley at Davao Oriental ang DSWD sa Suazo Street.
Ang mga raliyista ay pinamumunuan ni Carlos Tranghia, chairman ng Barug Katawhan ng Davao Oriental, grupo ng Anakpawis, Anakbayan, League of Filipino Students, Kadamay, Kilusang Mayo Uno at ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Gayun pa man, bago pa makarating ang mga opeÂratiba ng pulisya ay nagawang itakas ng mga raliyista ang saku-sakong relief goods, kahun –kahong kape at instant noodles.
Inabutan pa ng mga pulis ang ilang grupo ng raliyista na tangay ang mga ninakaw na 600 kahon ng noodles, 3,000 food packs, 150 kahon ng kape na agad naman kinumpiska ng mga awtoridad.
Pinaiimbestigahan na ng PNP ang insidente at mahigpit na pinababantayan ang mga bodega, compound ng mga tanggapan sa disaster relief operations upang maiwasang maulit pa ang insidente.
Magugunita na sa kaÂsagÂsagan ng panalalasa ng bagyong Pablo noong Disyembre 2012 ay niransak din ng mga evacuees ang bodega ng National Food Authority at mga grocery store sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=69389.0