--press releaseMas madali nang mag-apply ng Sun Cellular post-paid line sa bagong promotion nito – ang Sun Cellular's 0% Interest your way to a Sun Postpaid Line Promo.
Simula Agosto 12 hanggang Setyembre 21, 2007, ang mga principal o supplementary card-holders mula sa mga participating locally issued credit cards ay maaaring magtungo sa alin mang Sun Shop at ipakita ang kanilang credit card, latest billing statement at isang valid ID para makapagsimulang mag-enjoy ng sari-saring in-demand postpaid offers ng Sun gaya ng 24/7 Call and Text Unlimited service. Sa offer na ito, maaring i-charge sa credit card ng mga subscribers ang 24 buwang Monthly Service Fee, na mababayaran sa anim o labing-dalawang buwang installment na walang interest. Sa napakababang halaga na P700 sa loob ng 12 buwan, may postpaid line at libreng camera phone pa!
Kasama sa malawak na pagpipilian ng libreng phones sa postpaid service na ito ay ang Nokia 2626 at Sony Ericsson K310i.
Ang 0% Interest your way to a Sun Postpaid Line Promo ay available sa lahat ng Sun Shops nationwide. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa customer service hotline sa numero (02) 385-8000 o 200 kung gamit ang Sun Cellular phone. Maaari ding mag log-on sa
www.suncellular.com.ph para sa iba pang impormasyon sa iba't ibang postpaid products ng Sun Cellular.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=4184.0