Author Topic: Piolo, bigay-todo sa pag-ibig! Angelica, mataas ang energy ‘pag in love!  (Read 966 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Nakalutang ang feeling ni Maja Salvador kapag nai-in love. Lagi raw siyang masaya at hindi niya mabita­wan ang kanyang cellphone.

Ang cellphone din ang laging hawak ni ­Daniel Padilla kapag nagma­mahal siya.

“Gusto mo lagi mo siyang kasama. Gusto mo laging napapasaya mo siya kahit pinipilit mo na lang. Basta magawa mo na lang,” pahayag naman ni Daniel sa presscon ng kinabibilangan niyang movie na 24/7 In Love.
Sa panig naman ni Kathryn Bernardo, kahit hindi pa naman puwedeng ma-in love, “Siyempre, parang inspired ka parati. Parang excited kang gumi­sing everyday.

Kasi parang inspiration. Feeling ko, ganoon po. Pero hindi pa ako masyadong nai-in love. Siguro, ganoon din sa cellphone. Parang napa-smile ka na lang ng walang reason! Ha! Ha! Ha!”

“Siguro gusto ko siyang kasama 24/7! Siguro, gusto mong gumising nang maaga upang ma-check ang cellphone mo. Parang itong dalawang ito (Daniel at Kathryn)!” saad naman ni Gerald Anderson.

Ayon naman kay Kim Chiu ‘pag in love, “Si­yempre, lagi kang naka­ngiti. Meron kang inner glow! Ha! Ha! Ha! Masaya ka lang! Siyempre, la­ging masaya. Lagi kang nakatawa. Parang nilu-look forward every day!”

“Wala pa akong experience! Ha! Ha! Ha!” pakli naman ni Angelica Pa­nganiban. Sabay dugtong ng, “Ano po…Para pong laging may bagong umaga! Ha! Ha! Ha! Gana­dung-ganado lang po. Mataas po ang energy. Masaya! Wala kayang sungitan! ‘Yung inner glow ko kasi kinuha (ni Kim Chiu)! Ha! Ha! Ha!”

“Okey na ‘yung kay Angelica. Sinabi na lahat, eh! Ha! Ha! Ha!” sagot naman ni Piolo.

“Pero siyempre, ‘pag in love ka, bigay-todo ka!” dugtong na sabi pa ni ­Piolo.

“Pag in love ka, mas makulay ang buhay! Iba-iba! Rainbow!” rason naman ni Bea Alonzo.

“‘Yun! Marami kang bagay na… hawak mo ang cellphone mo. Marami kang bagay na… Kapag in love ka, gusto mo kasama mo siya palagi!” katwiran naman ni Zanjoe Marudo habang nakatingin sa dyowang si Bea.
Ayon naman kay Sam Milby, “Parang sinabi na lahat, eh. Pero siyempre ako, happy all the time. But at the same time, away din. Ha! Ha! Ha! Anyway, masaya at gusto ko siyang makasama lagi!”

“Matagal na akong hindi nai-in love. Pero nu’ng panahong ‘yon, 24/7 in love, nag-aral akong magluto ng Japanese food! Ganoon talaga, eh. Gusto mo lagi siyang masaya. Ibibigay mo ang lahat!” pahayag naman ni Pokwang.

‘Yun nga lang, nang ma-in love ng 24/7 at naghiwalay din sila ng dyowa, sey ni Pokie, “24/7 din akong umiiyak! Ha! Ha! Ha!”

Ang 24/7 In Love ay bahagi ng selebrasyon ng Star Magic sa kanilang 20th anniversary.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57663.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: