Author Topic: apelyido ko ang ipagamit ko sa anak ko  (Read 789 times)

rogamz

  • INTERN
  • **
  • Posts: 639
    • View Profile
apelyido ko ang ipagamit ko sa anak ko
« on: February 23, 2015, 01:10:52 AM »
Pwede po bang apelyido ko ang ipagamit ko sa anak ko kahit kasal kami ng ama ng anak ko? Kakakasal lang namin nitong May 20, 2014. Wala pang isang buwan ay naghiwalay na kami. Umalis lang siya para mag-apply ng work pero hindi na siya nagparamdam. Sa Cabuyao, Laguna lang siya at ako ay sa Santa Cruz, Laguna lang. Kahit saan wala na kaming contact, kahit sa Facebook ay in-unfriend niya ako. Sa tingin ko wala na siyang balak pang suportahan o panagutan ang responsibilidad niya sa bata bilang ama. Gusto ko sanang mangyari na ang ipinanganak ko nitong September ay sa akin na lang mapaapelyido ang anak namin. Para saan pa kung ipagamit ko pa sa bata ang apelyido niya kung wala naman siyang balak magsuporta? Maraming salamat po!


 Lubos na gumagalang,


 Kath


Dear Kath,


Lehitimong anak ninyong mag-asawa ang ilalabas mong sanggol kaya may karapatan ang bata na gamitin ang apelyido ng kanyang ama. Ang paggamit ng iyong anak ng apelyido ng kanyang ama sa kanyang birth certificate ay higit na makabubuti at makatu­tulong upang mapadali ang pagkuha ng support sa kanyang ama.


Nasasaad sa ating batas na katungkulan ng isang ama ang magbi­gay ng suportang pinansyal sa kanyang anak, maging ang mga anak ay lehitimo o hindi. Dahil dito, may karapatan ka na humingi ng suportang pinansyal sa ama ng anak mo, sa halagang alinsunod sa pangangaila­ngan ng kanyang anak at sa kakayahan at pamumuhay rin naman ng mga amang magbibigay ng suporta. Ang ibig sabihin nito ay ang maaari mo lang ding hingin sa ama ng bata ay ang sasapat sa mga pangangailangan nila at hindi rin naman lalabis sa kaya lamang ibigay ng ama ng bata.

Maaari mo munang subukang tuntunin ang mister mo at padalhan siya ng liham upang makahingi ka ng suporta. Sa oras na hindi siya sumagot sa liham ay maaari kang maghain sa korte (Regional Trial Court-Family Court) ng petisyon para sa “child support”.


Kasama sa support o sustento ang pagkain, tirahan, damit, gamot, edukasyon at maging pamasahe. Ang halaga naman ng sustento na ibinibigay ay base sa kakayahan ng magulang na nagbibigay ng sustento at sa mga pangangailangan ng anak.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=79551.0
No other time than now..

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: