Wednesday, March 19, 2008
"English Carabao" ni Janina
Si Janina San Miguel, ang nanalong Bb.Pilipinas Worldwide title ay sagad sa butong ininsulto't pinagtawanan dahil lamang sa paggamit ng “carabao english.†Ang malungkot, maliban sa negatibong reaksyon ng spokening dollar na pulitikong si Rep Gullas ng Cebu, sumambulat sa cyberspace, mula sa internet, sa e-groups, blogs, YouTube at text messages ang mahigit 300,000 kumwestiyon at nagsabing “ito ba ang karapat dapat na maging kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang labanan sa beauty contest?†(Photo;mg341.imageshack.us/.../binibinilicaroshy5.jpg)
Ang “carabao english†ay isang klase ng english languages na ginagamit ng mga englisero at engliserang Pinoy. Daang libong Pinoy at 'di lang si Janina ang gumagamit ng "english carabao." Trahedya man ito, globalisasyon o isang karangalan, pinipilit sabayan ang diksyon ng mga Englishmen/women, kahit mali-mali ang grammar, kahit hindi maunawaan at maintindihan mismo ng mga Briton at Kano (Anglo-American) ang "carabao english" ng mga Pinoy.
Mula sa sistema ng ating edukasyon bilang medium sa pagtuturo, ginamit ang English sa gubyerno’t lehislatura at pakikipagtransaksyon sa negosyo. Mula sa aklat at iba pang reference materials, magazines, research manual at script ay pawang nakasulat sa dayong wika. Gamit sa pakikipagtalastasan, sa court hearing, debate, sa mga pormal (social) na pagtitipon, conferences, forum, kahit sa simpleng pakikipagkomunikasyon, pagsusulat, kalatas o kahit sa mga panayam, advocacy work, kahit pilit at katawa-tawa, “english" ang karaniwang ginagamit.
"Ikatlo (3rd placer) raw ang Pilipinas sa buong mundo ang gumagamit ng English. " Apat na siglong (4 centuries) nilooban (occupation) tayo ng Amerika, Hapon at Kastila. Noong panahon ng Kastila, ginamit ang wika upang ikintal sa utak natin ang mensahe ng kabanalan at pagiging masunurin. Sa ilalim ng Kano, sa loob lamang ng kalahating siglo at ilang dekada matapos “ibigay ang kasarinlan,†isinubo ang wikang English bilang opisyal na lengguwahe.
Kung sa pulitika't kapangyarihan, kung gusto mong maging pulitiko kailangang English ang gamit mo, kung gusto mo ng may mataas na pinag-aralan at modernong pamumuhay wikang English ang dapat na gamit mo. Ginamit ang English sa pagbibiyahe sa abrod o jungket. Ginamit ang English sa land grabbing at malakihang pagnanakaw. Ginamit ang English upang sang-ayunan ang mga batas at tratadong kontra Pilipino. Ginamit ang English upang supilin ang kilusang makabayan. Ginamit ang English, upang baluktutin ang hustisya't paburan ang mga malalaki’t mga dambuhala. Ginamit ang English sa pangungurakot. Yung salitang commission, under the table, standard operational procedure (SOP), sovereign guarantee at “substantial compliance†ay walang iba kundi suhol, lagay at pangungulimbat.
Sinasabi ng ilang kritiko na tuluyan na tayong nawalan ng tunay pagkakakilala sa sarili. Sa awit ni Heber Bartolome na “Tayo’y mga Pinoyâ€, para tayong asong ngumingiyaw at hindi tumatahol. Sabi nga ni Randy David, “walang wikang umuunlad kung hindi ito naisusulat at binabasa. Walang wikang umuunlad kung ito’y hindi sinasanay na maglulan ng mga produkto ng kamalayan at iba’t-ibang kaisipang hango sa maraming kultura. Kailangang makipag-usap ang ating sarili’t-katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isangtabi ito, sa maling pag-aakalang hindi na ito angkop sa bagong panahon."
Nasa yugto na tayo ng tinatawag na “Panahon ng Kaalaman.†Upang mkamit ang mithiing kaunlaran, napakahalaga ngayon ang pagpapaabot at pagpapaunawa ng kaalaman o mga kaisipan para sa mamamayang Pilipino. Hindi totoong mababa at makitid ang karunungang makukuha sa Filipino. Pakulo lamang ito ng mga may lagnat sa utak, maka-English at mga regionalistikong mapanghating pulitiko na naniniwalang hindi tayo uunlad kung hindi tayo marunong mag-English.
May sarili na tayong teknolohiya para mabuhay at magsarili. May nalinang na tayong paraan ng agrikultura at mga industriya para masagot ang ating pangangailangang pangkabuhayan. Intelektuwalisado na ang ating wika noon pa man. May mga salita ito na naglalaman ng mga katutubong kaalaman sa pilosopiya, politika at teknolohiya.
Kung ang wikang English ang mag-aahon sa karalitaan at mataas na antas ng ating pamumuhay (Nipongo, Korean, Mandarin, Bahasa, Scandinvian, Russian at iba pang mauunlad na sibilisasyon, identity at kultura), kung ang English ang magpapawi ng katiwalian at pangungurakot, kung ang English ang magpapalago ng industriya’t teknolohiya at empleyo, kung ang English ang papawi sa pagiging busabos ng Pinoy sa mata ng mundo, kung ang english ang bubura sa paninging mga UTUSAN, chimay at PROSTI (domestic helper at caregivers) ang Pinoy sa mata ng mundo, kung ang English ang magdadala ng maraming gintong medalya sa tuwing may palaro sa Olympic at kung ang English ang siyang daan sa pagkakaisa, baka siguro NUMERO UNO NA TAYO SA LAHAT NG BAGAY SA MUNDO!
Tulad ng mga mauunlad (kamalayang panlipunan at kaunlaran) na mga bansang may sarili at pambansang wikang ipinatutupad, may sapat na kakayahan ang mga Pilipino na makamit ang tunay na sariling kamalayan at kaunlaran kung patuloy tayong maiintindihan, mauunawaan at makipag-ugnayan sa sarili nating mga kababayan.
Ayon kay Ornolfor Thorsson, tumayong adviser ng Presidente sa Iceland noong 1800, “Without our language, we have no culture, we have no identity, we are nothing.†Ipinahayag niya ito sa panahong nanganganib masalaula, burahin at patayin ng kolonyalistang Norwegian ang sariling wika ng bansang Iceland (the Icelanders as an ethnoÂlinguistic people would have disappeared from the face of the earth).
Ang “english carabao†at ang insidenteng kinasapitan ni Janina ay repleksyon lamang kung gaano kabaluktut, kabusabos at kapariwara ng elitistang lipunang ginagalawan ni Janina. Kung nagsalita sana ng Pilipino si Janina, bukud sa walang dudang malaya niyang naipaabot ang kanyang mensahe sa wikang Pilipino, tiyak na hahangaan-kabibiliban pa ito ng sambayanang Pilipino. Biktima lang si Janina ng isang bansang patuloy na "naliligaw, naghahanap ng direksyon, identidad, kamalayan at pagbabago."
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=18397.0