.... dzmm news
Nakaranas ng malawakang blackout ang Lalawigan ng Bohol kaninang ala-una ng madaling-araw dahil sa ahas.
Sa imbestigasyon ng National Transmission Corporation (TransCo), dumaan sa transmission line ang ahas kaya nakuryente ito at sumabog ang transformer sa bayan ng Ubay sa Bohol.
Ang transformer ang siyang tumatanggap ng kuryente mula sa geothermal powerplant ng Leyte.
Inaasahang tatagal pa ng buong araw ang blackout dahil ngayong tanghali lang inaasahang darating sa bayan ng Tubigon ang kapalit na transformer at ibibiyahe pa ito sa Ubay. Report from June Perez, Cebu Correspondent
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=31964.0