Naging usapan-usapan sa apat na sulok ng isang ahensiya na ito ng pamahalaan ang patuloy pa ring pananantili sa ahensiya nitong opisyal gayong nag-uulyanin na at wala nang silbi sa ahensiya.
Nakarating kay Mang Teban na matagal na pala itong retired pero nakakapagtaka kung bakit ibinalik pa uli ito sa puwesto marahil malakas na naman ang kapit nito sa may kapangyarihan.
Ang trabaho lang pala nitong opisyal ay umupo sa mga meetings, conferenÂces, at media photo-ops para lang for visibility.
Bukod dito, hindi rin naman siya binibigyan ng trabaho ng namumuno ng ahensiya kaya halatang accommodation at talagang malakas lang ang kapit sa Malacañang.
Ngunit ang siste pa, wala na nga siyang silbi sa ahensiya, wala rin pala itong modo at may kabastusan.
Mahilig pala nitong pahiyain ang kapwa niya opisyal kahit sa harapan ng maraming tao ay wala umanong preno kapag ito'y magbitaw ng salita sa kapwa niya opisyal.
Biro tuloy ng ilang mga empleyado ng ahensiya na dapat ilagay na lamang sa home for the aged ang matandang opisyal kaysa sa maging tau-tauhan lamang ng ahensiya na sinasayang lamang ang pera ng bayan para pasuweldo sa kanya na wala namang ginagawa.
Pintahan niyo na: USEC o UndersecreÂtary ang posisyon nito sa ahensiya nagsisiÂmula ang pangalan sa letrang M as in Manila.
Kinsa kaha ning tawhana?
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57710.0