Booking.com

Author Topic: Destabilization Plot vs Gloria Arroyo  (Read 101 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 21090
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
Destabilization Plot vs Gloria Arroyo
« on: August 26, 2017, 02:49:38 PM »
Commentary: Sa isyu ng destabilization
By Renee F. de Guzman

Laoag City (24 June 2005) -- Parang piyesta sa baryo ang nangyari sa presscon ng oposisyon kamakailan.

Pagkatapos nagbanggahan at maghiwalay ang landas ng grupo ni Senador Ping Lacson at grupo ng yumaong Fernando Poe Jr., nakahanap sila ng dahilan pati mga militante at progresibo daw na grupo parang magsanib ng puwersa upang idiin ang Pangulong Gloria Arroyo sa kontrobersiyal na audio tapes.

Tama ang puntong ginamit ng Pangulong Arroyo, "economic sabotage" ang ginagawa ng mga grupong ito. Alam kasi nila na kapag bumagsak ang ekonomiya ay maari nilang makuha ang simpatiya ng tatamaang sambayanan na nangangarap ng maayos na buhay.

Nakaraan ang ilang buwang paglakas ng piso ay muli na naman itong bumagsak at ang bukod tanging bumubuhay ay ang remittances ng mga OFWs. Dagdag pa dito ang mga pinasok na dolyares ng mga foreign investors na nakumbinse ng administrasyon na mag-invest sa bansa sa stock market at sa mga treasury bonds.

Anarkiya ang taktika ng oposisyon dahil alam nila na sablay ang kanilang mga argumento kung legal at tamang proseso ang susundin at ito lang ang stratehiya na puede nilang masamantala.
Bilang mga responsableng mga Pilipino, alamin muna natin ang motibo ni Senador Lacson at kanyang mga kakampi. Hindi kaya simpleng kaso lamang ito ng sour graping ng matalo siya noon sa eleksiyon?
Mahigit na isang taon na ang nakalipas na eleksiyon bakit ngayon lang nila nilabas ang wired tape na ito?

Unawain din natin na hindi madaling tapatan ang hamon sa Pangulo na sagutin ang kontrobersyal na tape. Kasi anuman ang maging tugon ng Presidente, may patibong na inihanda ang kanyang mga kalaban.

Huwag din tayong magpadala sa mga pinagpipilian na pinipilit ng oposisyon. Alam natin na uso ang imitasyon at ito'y madaling gawin sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Madaling mangdoktor at mangopya ng boses na madaling ilusot kung hindi natin nakikita kung sino ang sakaling manaig ang kagustuhan ng oposisyon at mga oportunistang militante sino naman kaya ang tunay na makikinabang?

Hanggang ngayon wala naman silang binibigay na alternatibo sa sambayanan. Kahit kailan puro kilos protesta at panggugulo lamang at pomulitika ang ginagawa ng mga oposisyon.
Panahon na siguro na pagbigyan natin ang mga taong - gobyerno na tunay na nagse-serbisyo.

Sa isyu ng jueteng
Ginagawang circus ng mga oportunista sa lipunan ang imbestigasyon ng Senado sa jueteng.
Hindi na ito in aid of legislation kundi in aid of persecution na. Unti-unti kasing inilalatag ng oposisyon ang kanilang mga akusasyon gamit ang kanilang mga willing at unwilling accomplices upang ang layunin nilang pabagsakin ang unang pamilya lalo na ang Pangulong Arroyo ay matupad.

Malungkot lang isipin na pati ang simbahang Katoliko ay hindi nakalusot sa maniobra ng mga mapanlinlang.

Kapag natapos ba ang pandinig ng Senado at mauwi sa pagbagsak ng Gobyerno, mawawala ba kaya ang jueteng? O magpapatuloy pa ito at lulutang na ang mga taong tunay na nakikinabang sa illegal na sugal?

Malinaw kasi ang motibo sa pagpupumilit ng ilan na maisalang ang isyu ng jueteng. Ito ay upang gamiting pambala sa administrasyon matapos mapatunayang epektibo sa pagpapatalsik noon sa dating Pangulong Joseph Estrada.

Isa pang malinaw sa isyu na ito ay ang kawalang ebidensiyang naipapakita ang oposisyon na magdidiin sa sinasasabi nilang protektor sa Gobyerno.

Sawa at manhid na ang mga tao sa sobrang pamumulitika sa bansa kaya tuloy di tayo umuusad.
Ang gusto na ngayon ng bayan ay tunay na aksyon sa kanilang interes upang maayos na ang pamumuhay at hindi pekeng malasakit sa pamamagitan ng paninirang puri sa mga taong nagsusumikap para makatulong sa bansa.

Sa isyu ng IMF report
Pag-upo pa lamang ni Pangulong Gloria Arroyo sa pamunuan ng bansa ini-utos na niya ang pagtitipid sa mga gastusin ng lahat ng ahensiya ng gobyerno at hindi exempted dito ang mga government owned and controlled corporations.

Ang mga payo ng IMF ay hindi na bago sa gobyernong Arroyo. Subalit ang mga ito ay siniseryoso pa rin ng administrasyon bilang isang mahusay na manager.

Upang maiwasan ang kalugihan ng GOCC at GFI na karaniwang inaasahan ng ordinaryong mamamayan sa kanilang pangangailangang pinansiyal lalo na ang mga miyembro ng SSS at GSIS, inaksyunan ng Department of Finance ang pangangailangan para magpatupad ng standardization sa pagtatakda ng pondo at gastusin ng mga GOCC at government financial corporations. (PIA Ilocos)
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

My Facebook Profile: https://www.facebook.com/michaelortegaligalig
RSS Feeds Tubag Bohol Feed Burner


 

Latest Topics

Mobile View
SimplePortal 2.3.6 © 2008-2014, SimplePortal