Press Release
UMENTO SA SAHOD NG PUBLIC SCHOOL TEACHERS, INIHIRIT
Halagang P27,565 kada buwan ang magiging pinakamababang sahod ng public school teachers sa buong Pilipinas kapag naisabatas ang House Bill 3698 ni KABAYAN Party-list Congressman Ron P. Salo.
Sa kasalukuyan, ang pinakamababang sahod na tinatanggap ng mga pampublikong guro ay P19,620 kada buwan o Salary Grade 11 lamang. Nais itong iakyat sa Salary Grade 15 ni Salo.
Nito lang Setyembre inendorso na ng Malacanang ang draft ng Department of Budget and Management (DBM) na humihiling sa Kongreso na taasan ang sweldo ng mga sundalo at pulis.
“Kung sa tingin ng DBM ay kayang bigyan ng umento sa sahod ang pulis at militar, tingin ko dapat bigyan na din ng umento sa sahod ang lahat ng mga guro sa Pilipinas. Edukasyon ang una ayon sa 1987 Constitution,†giit ni Salo, isang law professor at kasapi din ng House Committee on Appropriations.
Kung mapipirmahan ng Senado at Kamara ang joint resolution na inihahain ng DBM, madodoble ang buwanang sahod ng isang Police Officer 1 (PO1) mula P14,834 tungo sa P29,668.
Kapag naaprubahan ng Kongreso ang resolusyon, tataas din ang sahod ng mga may kaparehas na ranggo sa Department of National Defense (DND), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Public Safety College (PPSC), Philippine Coast Guard (PCG), at the National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Bilang Assistant Majority Leader, hiniling ni Salo sa mga kasamahan sa Kamara na paspasan na ang pagtalakay sa kanyang House Bill 3698 para maging batas na ito bago pa sumapit ang sususnod na school year.
“Ang umento sa sahod para sa ating mga pampublikong guro ang pinakamabuti nating maiaalay sa kanila sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day. Ang dagdag na sahod ay magkakaloob sa kanila ng pagkakataon para sa mas disenteng pamumuhay at dagdag na motibasyon para pagbutihin pa ang paghubog sa kaispan ng ating mga kabataan,†wika ni Salo.
Tuwing October 5, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Teachers’ Day sa bisa ng Republic Act 10743.
Download your Free TubagBohol.com App on Google Playstore
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87505.0