Press Release: GOVERNANCE COMMISSION FOR GOCCs IPINABUBUWAG
Sabi ni Bagong Henerasyon Party-list Congresswoman Bernadette Herrera-Dy, isa sa may akda ng House Bill 3014 o GCG Abolition Act, imbes na makatulong ang GCG sa pagpapaunlad ng mga GOCCs ay naging sagabal pa ito at naging isa lang “bureaucratic layer†sa dati nang kumplikadong istruktura ng checks and balances sa pamahalaan.
Higit 20 kongresista ang nanawagan para buwagin na ang Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG), ang ahensiyang nangangasiwa sa galaw at operasyon ng may higit dalawan-daang GOCCs sa Pilipinas.
Inirereklamo pa umano ng mga GOCCs ang mga dagdag na requirements pinasusumite ng GCG sa kanila na nakakapagpabagal lamang sa kanilang operasyon.
Ang mga GOCC ay dati nang may pananagutan sa mga sumusunod:
1. Sa Kongreso (House at Senate) – na may oversight function
2. Commission on Audit (COA)– na may kapangyarihang suriin lahat ng accounts at property ng gobyerno
3. National Economic and Development Authority (NEDA) – na nag-aapruba ng lahat ng plano at joint venture activities
4. Government Procurement Policy Board (GPPB) – na may kinalaman sa lahat ng procurement projects
5. Office of Government Corporate Counsel (OGCC) –bilang manananggol ng lahat ng GOCCs
Paliwanag pa ni Herrera-Dy, ang mga empleyado at opisyal ng mga GOCCs ay saklaw din ng mga samu’t saring mga batas hinggil sa tamang pamamahala at sakop pa nga sila ng jurisdiction ng Ombudsman.
“Bilang pagtugon sa panawagan ng Pangulong Duterte kamakailan na buwagin na ang mga ahensiyang may ‘duplicative and overlapping functions’ nais naming buwagin na ang GCG dahil hindi na ito kailangan,†giit ni Herrera-Dy.
Kapag naisabatas ang HB 3014, lahat ng empleyado at opisyal ng GCG ay makakatanggap ng dalawa at kalahating buwang sahod sa kada taon ng serbisyo bilang separation pay.
Panukala ni Herrera-Dy na i-take-over ng Presidential Management Staff sa ilalim ng Office of the President ang tungkulin ng GCG. (WAKAS)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87541.0