Author Topic: Toni, na-trauma sa kissing nila ni Vice  (Read 684 times)

Pikoy

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 2871
  • Trip trip Lang :) walang basagan ng borit!
    • View Profile
Toni, na-trauma sa kissing nila ni Vice
« on: October 01, 2012, 01:45:28 PM »


SPEAKING of Vice Ganda, inamin niya na ang latest movie nilang This Guy’s In Love With You Mare ang pinakamagandang pelikulang nagawa niya.

“Nakaka-proud ‘tong pelikulang ito kasi ito ang pinakamagandang comedy na nagawa ko, mas magandang ‘di hamak ito sa ‘Praybeyt Benjamin’ kaya kampante ako at gusto na talagang ipalabas, excited kaming lahat,” pagmamalaki ni Vice sa amin. “Gusto na nga naming i-showing agad, ang bagal ng October 10,” sabay nilang sabi ni Toni Gonzaga.

Samantala, inamin ni Toni na weird ang naramdaman niya nang halikan siya ni Vice na umabot pa sa dalawang beses. “Iba, pinaka-iba sa lahat.  Hindi ako nagki-kissing scene, ‘di ba (bukod kay John Lloyd Cruz), parang gusto ko ng bumalik sa ‘no kissing scene policy’ pagkatapos ng kay Vice.

“Parang ayoko na ulit talaga. Hindi naman trauma, weird lang, kakaiba kasi. Parang kinis mo ‘yung kapatid mo, si Alex (Gonzaga), ha, ha, ha sobrang weird,” tumawang kuwento ni Toni.

At ganito rin ang pakiramdam ni Vice na hindi raw niya talaga kayang humalik ng babae at hindi rin naman si Toni ang una niyang nahalikan dahil nagkaroon siya ng maraming girlfriends noong hindi pa siya naglaladlad.

Pero kung saka-sakaling gusto niyang magka-anak ay gusto niya si Kaye Abad dahil crush niya ang Tabing Ilog actress, “gusto ko si Kaye Abad. Gandang-ganda ako sa kanya.

“Ang seksi niya, ang ganda niya. Gustong-gusto ko siya. At kung magge-girlfriend ako, si Kaye Abad ang liligawan ko.”

“May chance kami ni Kaye. Kasi kahawig ko naman daw po ‘yung taga-Parokya ni Edgar (Chito Miranda),” birong sabi pa ni Vice.

Samantala, mapapanood na sa Oktubre 10 ang This Guy’s In Love With You Mare kasama rin si Luis Manzano mula sa direksiyon ni Wenn Deramas mula sa Star Cinema at Viva Films.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55374.0
ang bOrit kUng mAuy mAgdagHan DyutaY ra....

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: