By PEP.ph
Labis ang kalungkutang nadarama ngayon ni Gardo Versoza sanhi ng pagpanaw ng kanyang ina, si Mrs. Purisima "Baby" Polintan Torres, matapos itong ma-confine sa Cardinal Santos Hospital sa loob ng labing-apat na araw, mula noong November 27 hanggang December 10, 2010.
Si Mommy Baby ay 68 years old.
"Nag-shoot up ang BP [blood pressure] ni Mommy, up to 200, kaya isinugod namin siya sa Cardinal Santos," banggit ni Gardo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, 10, matapos naming mabalitaan ang pagyao ng kanyang ina.
"Nung November 27 yun," patuloy niya. Pagkatapos nun, hindi pa rin naging stable ang kundisyon niya kahit binibigyan siya ng doctor ng pampababa ng blood pressure.
"Dalawang beses siyang nag-seizure kaya dinala na siya sa ICU [intensive care unit]. Ang nangyari naman, minsan bababa ang BP niya, pero mababang-mababa, tapos pag tumaas, sobrang taas naman."
Nanatili ang ganung kundisyon ni Mommy Baby throughout her confinement na ang nagbabantay nang madalas ay si Gardo at ang kanyang girlfriend at road manager na si Ivy Vicencio.
Kagabi, habang ina-autopsiya ang labi ng yumao ay nanatiling nasa ground floor lobby ng ospital sina Gardo at Ivy. Inaantabayanan nila ang pormal na sasabihin ng mga doktor hinggil sa tunay na karamdaman o sanhi ng pagkamatay ng ina ng aktor.
"Hanggang kanina [dakong 7:40 PM nang bawian ng buhay si Mommy Baby], hindi masabi ng mga doktor ang totoong sakit niya," malungkot pang sambit ni Gardo.
"Pero malinaw na nagkaroon na ng kumplikasyon sa mga vital organs niya, although okey naman ang heart niya habang nasa ICU siya."
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=35350.0