Kagabi, Disyembre 10, ay nagpaunlak ng panayam si Ben Chan—may-ari ng Pinoy apparel brand na Bench—sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga entertainment press na dumalo sa launch ng bago nitong perfume line sa Trinoma, Quezon City.
Ang event ay para sa launch ng Greta, ang bagong pabango ni Gretchen Barretto na kasali sa Celebrity Scents Collection ng Bench.
Naganap ang panayam kay Mr. Ben bago lumabas si Gretchen sa stage.
Tinalakay ni Mr. Ben ang mga lumabas na issue na kaugnay ang Bench, si Willie Revillame, si Kris Aquino, at si Shalani Soledad.
Lumabas kasi ang balitang kinukuha ng Bench na endorser si Shalani Soledad, ang TV host-politician na dating girlfriend ng Pangulong Noynoy Aquino.
Nauna nang lumabas dito sa PEP Alerts ang balita na inilathala dalawang linggo na ang nakararaan, sinabing malapit nang i-launch na endorser ng Bench si Shalani.
Nakapag-pictorial na rin daw ito para sa billboard niya na makikita ngayong Disyembre. Kasama niya sa billboard ang co-host niya sa Willing Willie na si Willie Revillame, na isa nang Bench endorser ngayon. - PEP.ph, source
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=35348.0