Hindi umano dapat abandonahin ng adminisÂtration party na Liberal Party (LP) si Aga Muhlach upang maipakita sa lahat ng miyembro ng partido na hindi nila iniiwan ang kanilang mga kasamahan na problemado sa kanilang kandidatura.
Ito ang iginiit ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ukol sa kautusan ng local court sa Camarines Sur na tanggalin sa voter’s list ng bayan ng San Jose ang pÂangalan ni Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzales.
Ayon kay Evardone, bilang LP member, tungkulin umano ng partido na tuluÂngan ang actor dahil tinanggap nila ito sa lapian at inendorsong maging admiÂnistration candidate sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.
“As partymate, dapat lang siyang tulungan para maipakita sa party-members na kapag may problema sila, hindi iniiwanan ng mga nasa itaas,†pahayag ni Evardone na miyembro ng administration party.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=56717.0